Tuesday, February 01, 2011

On reading


Tanong sa akin ng isang officemate: bakit lagi ka na lang nagbabasa? Kahit nakatambay kami sa gazebo at kasama ko ang mga ka-department, nasa isang tabi lang ako at nagbabasa ng libro.

'Tangina tol panay ka basa, hindi ka nakiki-jam sa amin."

Tanong ko naman sa utak ko: "E bakit ikaw, ni hindi kita nakitang nagbabasa kahit kailan."



Andaming nakikialam sa trip ng may trip. Eh sa trip kong magbasa, pakialam nyo? Ibig bang sabihin, wala akong pakialam sa mga nakapaligid sa akin? Pwede, pwede ring hindi. Puwede ring minsan panalo ring magbasa nang nasa paligid mo ang mga kaibigan mo.

Sorry tol pero kailangan kong magbasa. Maigsi lang ang buhay ng tao, sandamakmak ang libro sa mundo, paano ko mababasa lahat?

Maraming taong hindi nagbabasa. Katwiran pa ng iba, sobra daw silang busy kaya wala nang oras magbasa ng libro. Bullshit! Ang sabihin mo, wala ka talagang hilig magbasa, puro ka na lang panonood ng Gossip Girl, tangina ka.

Yung iba, nagbabasa lang sa biyahe, isang pahina tapos tulog na. Yung iba nagbabasa lang bago matulog. Isang sentence tulog na. Yung iba nagbabasa lang kapag tumatae. Isang paragraph tapos na.

Ako, laging nagbabasa. Lagi akong naglalaan ng oras para dito. Kesa sirain ko ang mga mata ko sa paglalaro ng psp, o manood ng nakakabobong noon-time show, o mag-facebook maghapon, o kalikutin ang blackberry o iphone, mas gusto ko nang magbasa. Marami pa kong natututunan.

Bata pa lang ako, hilig ko na ito. Nakatulong din siguro na wala kaming tv noong lumalaki kami. Sabi kasi ni erpat, hindi siya bibili ng tv hanggat buhay si german moreno. (At kita nyo naman, buhay pa rin siya hanggang ngayon). Kaya, hayun wala kaming tv, at lumaki sa pagbabasa ng mga pocketbooks.

Kaya ngayon, ugali ko nang magbasa ng at least 100 pages sa isang araw. Kung hindi, sinisikap kong makapagsulat ng at least 10 pages a day (napulot ko ang ugaling ito kay amang jun cruz reyes).

At least productive.

Kaya mga tol, mga peeps, subukan niyo ring dumampot ng matinong libro at umpisahang magbasa. Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong kabobohan.



*inumpisahan na nga palang basahin ni agent dan gaffud ang gerilya. at least ngayon hindi na lang puro grand theft auto at kung anu-ano pang shit ang pinagkakaabalahan ng mga mata niya. salamat tol!

Kung trip mong mamili ng mga librong wasak, bisitahin ang Bookay-ukay sa 55 Maginhawa St., Teachers' Village, Diliman, Quezon City.

13 comments:

  1. masarap sa pakiramdam pag nakakatapos magbasa ng isang libro (parang ang talino ko na haha).nice post sir!

    ReplyDelete
  2. Ayon nga eh, di ko talaga ma-gets kung bakit manghang-mangha ang mga utaw at the same ay naiinis din sa mga tulad nating utaw na mahilig magbasa.

    Buwakanangina nila!

    Narito nga pala ang ilang pagmamayabang ko na isang akong tunay na mambabasa:

    http://dft.ba/-jzhunagev

    ReplyDelete
  3. Ayos! Walang basagan ng trip! Ako man ay isang dakilang mambabasa, lalo na ng mga aklat ni Stephen King. :) Keber lang sa mga taong di makaappreciate ng pagbabasa, bahala sila. :D

    ReplyDelete
  4. panalo ang post na ito!

    peor bakit nga nauna pang mamatay si fpj kay german moreno?

    ReplyDelete
  5. David Edge6:52 AM

    "Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong kabobohan."

    This is the clincher, the catch phrase of the day, the week, the month or even the year!!!

    Champion ka talaga I W A ! Swak'to!

    ReplyDelete
  6. Puwede ring minsan panalo ring magbasa nang nasa paligid mo ang mga kaibigan mo. - Norman Wilwayco

    gusto kong makasabay si Judiya "Stephen King" Mariya magbasa. Panalo sigurado ito.

    ReplyDelete
  7. "Kaya mga tol, mga peeps, subukan niyo ring dumampot ng matinong libro at umpisahang magbasa. Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong kabobohan."

    ^ Wasak na wasak .\m/ ^_^ \m/,

    ReplyDelete
  8. Anonymous2:43 AM

    "Tanong sa akin ng isang officemate: bakit lagi ka na lang nagbabasa? Kahit nakatambay kami sa gazebo at kasama ko ang mga ka-department, nasa isang tabi lang ako at nagbabasa ng libro."

    Hindi nakakainis ang magbasa, ang nakakainis ang nandun ka tapos nagbabasa ka, edi ang KJ mo nga, edi dun ka sa libe nyo o sa garden, wag kang sumama sa kanilang mga nakatambay, malamang lahat ng tao dun karamay mong nagbabasa at hindi magtatanong kung bakit lagi kang nagbabasa. Parang lang yang tumambay ka kasama tropa mo sa inuman tapos naga-ipod ka. Pakikisama kasi yun. Maigsi ang buhay, maraming libro nga ang dapat basahin, pero marami ding tao ang dapat kilalanin, at marami ding kaluluwa at dapat mahalin, kanya-kanyang trip nga lang talaga yan.

    *Mahilig din akong magbasa ng libro, pero hindi ko yun ginagawa pag maraming tao, hindi dahil sa nahihiya ako o mapupuna lang ako na mahilig akong magbasa, pero hindi kasi akma ang magbasa pag maraming tao, maingay eh.

    ReplyDelete
  9. dun ako magbabasa sa kung saan pwedeng magyosi at uminom ng beer. may ganon ba sa library? bakit pag naglalaro ng psp hindi kj? kanya-kanyang trip nga. kung trip ng tropa mong magdaldalan, huwag mo pakialaman. pag nagbabasa sila, wag mo ring pakialaman. and i disagree na hindi akma magbasa pag maraming tao. ano ginagawa mo pag nakasakay sa mrt? nakatunganga?

    ReplyDelete
  10. David Edge1:16 PM

    nadali mo xyco iwa sapul!!!

    ReplyDelete
  11. dvd edge1:21 PM

    "to each his own" "live & let live"

    kahit ano pa man at saan pa yan gawin...yung dalawang phrases na yan ang sasagot sa iyo.

    kaya itaas mo, iwa!

    ReplyDelete
  12. matagal papala kayo magkaka TV..mukhang 100 years pang mabubuhay si Kuya Gems.

    sa kabilang banda,

    ang talas at bangis ng Gerilya

    ReplyDelete
  13. "Walang mawawala sa inyo kundi ang inyong kabobohan."

    For the Win! kudos! iwa! :D alak tayo nla lon~

    ReplyDelete

Translate this shit