Monday, November 23, 2009

'Gleaming The Cube' mystery finally revealed!

napanood ko ang gleaming the cube noong skater pa ko noong 80's. sobrang misteryo sa aming lahat kung ano ibig sabihin ng pamagat. wala pang youtube noong 80's kaya puro speculation ang shit naming mga skaters.



heto ang ilan sa mga haka-haka sa maaaring ibig sabihin ng 'gleaming the cube'.
  1. tawag ito sa isang aerial trick na ginagawa sa vert
  2. murder
  3. finishing rubik's cube
  4. isa itong trick na inimbento ng skater na ang pangalan ay cube
  5. english quote ito na malabo ang ibig sabihin
  6. pag-grind ng trucks sa coping ng ramp
  7. ollie
  8. acid drop
  9. pag-skate sa kwadradong pool
  10. downhill race
  11. skateboard na gawa sa bakal (kaya nag-gleam sa tama ng araw?)
siyempre ang ilan, may direktang kaugnayan sa skateboarding, pero ang iba wala. kase malabo talaga kung ano ang ibig sabihin. nang manawa kami sa pelikula, ipinalagay na lang namin na malamang sila tony hawk at christian slater lang ang makapagsasabi kung ano talaga ang ibig sabihin ng putanginang title ng pelikula.


isa nga pala si tony hawk sa mga extra. papel niya bilang skater na tropa ni christian slater.


years later...


kakabasa ko lang ng librong 'Hawk: Occupation Skateboarder'. ngayon ko lang din nalaman (meron siyang explanation sa libro) kung ano ang 'gleaming the cube'.


sabi ni tony hawk sa libro niya, maski siya pala, di alam ang ibig sabihin. ang 'gleaming the cube' pala ay hindi isang skate lingo na ginagamit ng mga skaters sa ibang bansa.


ito pala ay isang shit lang na naisip ng isang hollywood producer na walang kinalaman sa skateboarding.


No comments:

Post a Comment

Translate this shit