Tuesday, October 13, 2009

TNL moments sa Phil. Blog Awards


matapos ang mahigit apat na buwan mula nang magsimula ang Hay! Men! heto kami ngayon. finalist kami sa phil. blog awards this year. di ko ma-gets kung bakit natalo kami sa humor category. ang nanalo si professional heckler. oh well, ganoon talaga.

nagmukha lang akong tanga kase nagsend pa ko ng text message kay mykel andrada at sabing: congratulations! talo ang haymen sa phil. blog awards. sagot naman ni gago, sino po ito? at mas gago naman akong sumagot pa ng: si iwa ito.

gago ko kase sa dinami-dami ng supporters ng hay!men!, kahit isa wala man lang akong tinext para magpasalamat sa suporta. bagkus, ito pang hay!men! detractor na ito ang siya kong pinadalhan ng text. wasak akong peep.

hay buhay. hay men.

2 comments:

  1. dre, me nakasalubong akong chick sa recto, naghahanap ng i bo-book review eh mahal daw kasi mga books sa national.gusto ke ricky lee para kay b eh wala pang bagsak sa recto nung libro na yun. Sabi ko download na lang nya gerilya sa site na ito. tapos sana lang i forward nya dito ano man pagsususulatin nya tungkol sa libro. ubra lang naman siguro ano? alrayt.

    ReplyDelete
  2. maraming salamat sa pagrekomenda dre.

    ReplyDelete

Translate this shit