Monday, August 24, 2009

Another satisfied customer...


Makalipas ang ilang dekadang pagpupunyagi ng mga kapatid nating New People’s Army, ano na ba ang estado ng kanilang mga ipinaglalaban? Tila wala na yatang katapusan ang giyera ng mga gerilya. Ang dating silakbo ng rebolusyonaryo ay hindi na ganoon kaagresibo. Ang mga dating nakikisimpatya ay di na ganoon kasigabo ang pagtanggap sa isang digmaan na sa tingin nila, habang tumatagal ay lalong wala nang patutunguhan. Ang Marxista ay namarkahan na ng kawalan ng pag-asa. Wala na ring gana ang taumbayan na makinig sa paulit-ulit na atungal ng mga bala.



Malimit nang kinukuwestiyon ang kaangkupan ng ideyolohiyang komunismo sa makabagong panahon, partikular ang uri ng ideyang pinapalagananap ng CPP-NPA. Binansagang terorista, hindi na ito ang dating maliksi at progresibong pulitikal na pangkat. Ito ay napaglipasan na. Nawawala na sa sirkulasyon ang tiim-bagang na pagsukbit ng riple at kalibre, sumugat ng isip, bumutas ng tao.

Sa sobrang gasgas na ng drama ng NPA ay mukhang wala nang pakialam ang masa na nakababad na ang atensyon sa praymtaym na teledrama. Ang estado ng pakikibaka ay nasasalamin na lamang ng estadistika: ang bilang ng gerilya na naitumba at nailibing sa kabundukan, ang kabuuang halaga ng kanilang nalikom na buwis pangrebolusyunaryo, ang bilang ng militar na natimbuwang at naisilid sa bodybag, ang bilang ng sibilyan na nadawit sa opensiba.

Kung ganoon ang estado ng rebolusyon, lumalabas na ang nobelang Gerilya na tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng mga NPA ay wala na ring saysay. Marahil ay hindi na akma ang ganitong istorya sa panahon ng Twitter at Facebook? Kailangan pa bang bigyang pansin ang ganitong mga obra? more...

1 comment:

Translate this shit