Friday, June 26, 2009

King of Pop


  1. lumaki ako sa mangagoy, bislig surigao del sur. nasa dulo na ito ng surigao, halos mawala na sa mapa.
  2. noong elementary ako, christmas party, 50 pesos ang tinakdang presyo para sa regalo sa exchange gift.
  3. at dahil nga nasa mangagoy kami, at wala namang sm sa amin, ang meron lang kaisa-isang gift shop na ang pangalan ay dulfo's store.
  4. kaya lahat kami doon bumili ng pangregalo.
  5. noong panahong iyon, halos walang laman ang tndahan ni dulfo. panay posters lang ni rambo at michael jackson ang binebenta.
  6. kaya noong party, puro nirolyong poster ang dala ng lahat.
  7. dalawa lang din ang choices, michael jackson o rambo.
  8. michael jackson ang nakuha ko noong exchange gift.
  9. pareho ito ng michael jackson na siya ko ring pinangregalo.
  10. para ko na ring niregaluhan ng michael jackson poster ang sarili ko.

2 comments:

  1. tol, okay lang yan, kesa naman Rambo poster ang niregalo mo't nakuha.

    ReplyDelete
  2. taena. ngayon ko lang nabasa to. nung panahon ko jk's na ang uso.

    ReplyDelete

Translate this shit