Sunday, November 16, 2008

I, transgress

I. This is where the story starts, motherfuckers!

Dumating na sa puntong di na niya makita ang mga kilay niya sa kapal ng bulbol sa noo niya. Nagsalubong na ang buhok niya sa ulo’t bulbol sa noo, na para bang iisa na lang ito. Lagi niyang pinangangambahang isang araw, lalamunin na ng mga bulbol niya ang mga kilay niya.



—Paano yan pag nawalan ka ng kilay? tanong minsan ng bunso niyang kapatid, habang naghahapunan silang mag-anak.

—Hindi mawawalan ng kilay si Tony, sambit ng nanay niya sa bunso.
Napayuko siya sa pinggan. Naramdaman niya ang tapik ng tatay niya sa balikat niya. At naramdaman niya ring hinawakan ng nanay niya ang isang kamay niya.

—Eh pano nga kung mawalan siya ng kilay? Pangungulit ng bunso.

—Sinabi nang hindi siya mawawalan ng kilay, eh! sabat ng ate niya sa bunso, —sige kumain ka nang kumain, huwag mong intindihin ang mga di mo dapat iniintindi.

—Pero…

—Tama na yan! singhal ng tatay nila. —Putangina oras ng pagkain kaya kumain kayo, hindi puro dakdak.

Tahimik nilang itinuloy ang pagkain. Kalabaryo ang bawat lunok niya, bagama’t paborito niya ang ulam na niluto ng nanay, burong papayang amoy puke ng birhen.

Pagkakain, tumayo siya’t tumuloy siya sa kuwarto niya’t nagkulong. Dinig niya ang pag-uusap ng mga kasambahay na nagrerelax sa sala matapos kumain. Pinag-uusapan nila ang mga gagawin sa bukid kinabukasan.

Di siya kasali sa usapan, di niya linya ang magsaka. Kahit magpumilit siya, di rin siya papayagan ng mga magulang niya. Kase nga di siya magbubukid. Tingnan mo na lang ang bulbol sa noo niya. Bagama’t may pangilan-ngilang tao sa bayan nila na tinutubuan ng bulbol sa noo, di naman ito makapal, di makatawag-pansin. Di tulad ng sa kanya.


II. Karanasan ang tunay na guro

Tahimik ang buhay sa bayan ng Akads sa loob ng mahabang panahon. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng karamihan. Magbubukid ang 90% ng populasyon, habang ang 9% mga komersyanteng nagpapaandar ng mga kalakal na kaakibat ng pagsasaka. Sa natitirang 1% nakahanay ang ilang mga taong may ibang trip sa buhay.

Tulad ni Tony. Na ipinanganak na kakaiba.

Sa edad na 10 naikot na niya ang buong Akads. At nang magbinata, nangibang-bayan. Kung saan-saan nagpunta, kaya ang daming karanasan.

Ito ang dahilan kung bakit marami siyang bulbol sa noo. Pero mamaya pa iyon, nauuna tayo sa kuwento.

Ang totoo, kakagaling niya lang sa biyahe, kauuwi niya lang halos. Apat na buwan pa lang siya sa Akads.

Pagdating na pagdating niya, noong sunduin siya ng tatay niya ng bangka sa kabilang pampang ng ilog, di matigil ang bibig niya sa pagkukuwento ng mga karanasang sinapit sa daan. At nang makarating sa bahay, tatlong araw siyang nagkuwento, walang tigil, sa lahat ng kasambahay. Panay ang hitit nila ng shabu para di makatulog, at para di na rin kumain. Tatlong araw na nakatiwangwang ang bukid nila dahil nakikinig sa kanya ang mga kasambahay niya.

Matapos ang mahabang kuwento, kumain silang mag-anak at natulog ng dalawang araw.
Huling nagising si Tony, nakita niya ang sulat na nakapaskil sa pinto. Nasa bukid lahat ng kasambahay niya, pati ang bunso. Bilin pa sa sulat na may pagkain sa mesa, kumain siya pagkagising at kung trip niya, sumunod siya sa bukid.

Magana siyang kumain at nang matapos, pumasok siya sa banyo at tumae, naligo at nagbate. Nang nagpupunas na siya, nakaharap sa salamin, noon niya napansin ang tumutubong mga bulbol sa noo niya.

Kumuha siya ng pang-ahit at sinubukang ahitin ang mga putanginang kulot na mga bastos na buhok sa noo pero pagka-ahit na pagka-ahit niya, tumutubo ulit ang mga putangina. Hanggang abutin na siya ng gabi sa loob ng banyo, hanggang dumating na ang mga kasambahay niya galing sa bukid.

At pinakita niya sa mga magulang ang kapatid ang noo niya. Di nila alam ang gagawin. Napagdesisyunan nilang magpa-ahit kay Steve, ang kaisa-isang barbero sa buong bayan.


III. Di na pwede ang old-school na paraan.

—Di naaahit iyan, bungad sa kanya ni Steve nang dayuhin niya ito kinabukasan.

—Parang awa mo na, Steve, nahihiya ako sa mga bulbol na ito.

—Bakit mo kinakahiya? Ang ibig ngang sabihin niyan, marami kang karanasan, marami kang narating. Di tulad ng karamihan dito sa Akads na isinilang na’t namatay nang hindi man lang nakita kung ano ang buhay sa labas. Ni hindi naranasang humawak ng ibang gamit maliban sa araro. Dapat nga ipagmalaki mo ang mga bulbol mo. Taas-noo ka dapat.

Di niya alam kung seryoso si Steve o nagbibiro.

—Gusto ko itong matanggal. Babayaran kita kahit magkano.

—Pa-tekno ka na lang.

Naglabas ng limandaan si Tony at inabot kay Steve. Tinawag ni Steve ang panganay niyang anak at pinatakbo ng shabu kay Tikboy, ang kaisa-isang dealer sa buong Akads.

Matapos bumatak, sinabi ni Steve sa kanya na simple lang ang solusyon sa problema niya.

—Ikuwento mo mga karanasan mo, malalagas iyan ng kusa.

Di makapaniwala si Tony sa sinabi ni Steve. Para makasiguro, sinubukan niyang kuwentuhan si Steve ng isa sa mga karanasan niya. Kinuwento niya yung araw na napasama siya sa isang grupo ng mga kabataang walang ginawa kundi magnakaw ng mga nakasampay na panty. Pinagtitripan nila ang mga panty, pinagjajakulan, at pinupusitsit sa sentro ng manipis na saplot ang kanilang mga tamod, tapos binabalik ng sampay sa kung saan mang sampayan nila ito sinungkit.
Matapos ang kuwento, libog na libog si Steve. Napansin rin ni Tony na parang nabawasan ang mga bulbol niya sa noo. Nakumbinsi siyang kailangan niyang magkuwento para malagas ang bulbol niya. At bakit hindi? Habang nagsasalaysay siya, tuwang-tuwa rin siya. Mas mahigit ng sampung beses ang libog niya bilang kwentista.

—Teka muna, di ka pa puwedeng basta-basta magkuwento kung kani-kanino. Kailangan mo munang magpaalam sa mga Kanonista.



IV. The High And Mighty Cannons 5000

Matapos ang ilang araw na pag-iiskedyul, nagkaroon din ng panahon ang mga Kanonista para harapin siya at pakinggan.

—Bakit ka narito? tanong ng isang Kanonistang mataba at di nagbabanat ng buto.

—Gusto ko pong magkuwento.

—Ano naman ang ikukuwento mo?

—Mga karanasan ko po sa mahigit sampung taong paglalakwatsa sa iba’t ibang bayan.

Nagbulungan ang limang Kanonistang kaharap niya. Inabot ng limang oras ang bulungan nila, nakaubos na ng tatlong joint si Tony bago siya hinarap ng mga ito.

—Sige nga, magkwento ka. Gusto naming makarinig ng sampol.

At inumpisahan ni Tony ang pagkukuwento.

Inumpisahan niya sa Chapter 1: Ang Kuwento ng mga Katutubong Manyakis sa Bayan ng Hindot. Kumain ng dalawang oras ang kuwentong ito at matapos niyang isalaysay, nagbulungan ulit ang mga Kanonista.

Nagkaroon sila ng maingay na pagtatalo. Mahigit dalawang oras na nakatunganga lang sa kanila si Tony, di ma-gets ang mga teoryang pinagtatalunan ng mga putangina, na sa tingin niya, walang kinalaman sa mga nangyari sa kuwento niya. Mas ang pinagdidiskitahan ng mga gago, yung istilo niya kung paano niya kinuwento ang kwento.

Nang mainip na siya, nagsalita siya.

—May kwento pa po ako, baka gusto ninyong marinig. May Chapter 2 pa.

—Ilang chapters ba ang kuwento mo?

—50 po.

—50? Teka lang iho kase ito ngang chapter 1 di na namin masakyan eh.

—Bakit po? Di po ba maganda ang kwento?

—Walang kinalaman iyon! Kundi kung paano mo kinuwento. Mali kasi ang istilo mo tsong.

—Oo nga. Saka dapat pag nagkukuwento, mula umpisa hanggang sa huli. Di pwedeng sa gitna ka mag-umpisa.

—Tulad ng kwento mo sa mga Katutubong Manyakis. Mali na agad iyon kase dapat ang chapter 1 mo, yung pag-alis mo sa bayan ng Akads.

—Tuloy-tuloy, magkakasunod ang mga pangyayari.

—Saka, hindi masyadong astig yung mga ginagamit mong salita.

—Paano namin palalaganapin ang kwento mo kung di namin masakyan?

Marami pa silang mga sinabi na hindi naiintindihan ni Tony. Nagtatalo ang isip niya. Di niya alam kung seseryosohin ang mga putangina. Sino ba tong mga putanginang ito, sa loob-loob niya. Eh wala namang sariling kwento ang mga hindot na ito. Kakarampot ang mga bulbol sa noo, wala masyadong mga karanasan sa daan. Malaking parte ng buhay nila, wala silang ginawa kundi makinig sa kwento ng iba at mamuna ng mga paraan ng pagkukuwento.

Sa isang banda, naisip niya, mahalaga ang istilo, paraan, etc. Pero anumang ganda ng istilo’t salita mo, bulagsak din kung walang kwenta ang kwento. At sa bandang huli, ang mga nakikinig sa kwento ang makapagsasabi kung maganda ba o hindi ang kwento. Kung naintindihan nila, nasiyahan sila, kahit papaano nakapagturo ng aral, yun na yon. Di na masyadong mahalaga kung paano mo ikinuwento.

Matapos magsayang ng ilang oras sa piling ng mga Kanonista, lumabas siya ng silid nang walang napala sa mga putangina. Tanginang mga motherfuckers, naisip niya. Fucking useless pieces of shit.

Isang bagay lang ang natutunan niya sa mga Kanonista. Ang huwag indindihin ang mga putangina. Huwag pansinin ang mga hindot. Huwag pakinggan ang mga salsalerong kupal. Ikukuwento niya sa anumang paraan niya gusto ang mga karanasan niya. At uumpisahan niya iyon paglabas na paglabas niya ng silid. Di na niya rin kailangan ang mga putangina para palaganapin ang kwento niya. Gagawin niya itong mag-isa. At naniniwala siya, na kapag maganda ang kwento, kapag nagustuhan ito ng audience, ang audience mismo ang magpapalaganap nito. Ikukuwento nila ang kuwento niya sa mga kamag-anak at kaibigan at sa iba pang masasalubong sa kalye. At sa tingin niya, sa kalye naman talaga nagmumula, yumayabong at nagwawakas ang magagandang kwento.

At iyon nga ang ginawa niya. At kung titingnan ngayon, wala na siyang bulbol sa noo. Naikuwento na niyang lahat.

1 comment:

  1. jumong buto1:00 AM

    hayup! may maipapayo ka ba sa mga adek na gustong maging katulad mo?

    ReplyDelete

Translate this shit