Sunday, November 02, 2008

gerilya rebyu

Mga Tala Matapos ang Gerilya (2008) ni Norman Wilwayco
from: atisan.blogspot.com


HINDI PA LUMALABAS ang nobelang ito, Kris. Mainit-init pa sa pagkakapanalo sa Palanca ngayong taon kung saan isa sa mga hurado si Sir Jun (Cruz Reyes) at ilang beses ko rin noong narinig sa kaniya, bago ko pa man mabasa ang nobela, na “ikagagalit ito ng maraming tao.” Hindi umano ito ikatutuwa ng gobyerno; pero hindi rin ng kilusan. (Nakapagtataka ito dahil sa palagay ko’y malinaw kung nasaan ang simpatya ng akda, lalo pa’t kikilalanin nito na: “Totoo, maraming pagkakamali ang kilusan, pero walang tigil din naman itong nagwawasto. Sa lahat ng organisasyon sa buong bansa, o maging sa buong mundo, ang kilusang kilala niya ang may pinakamatapat at determinadong mga patakaran at disiplina sa malimit na pagpuna sa sariling pagkakamali’t walang katapusang pagwawasto ng mga ito.”) Dahil personal kong kakilala si Iwa (Norman Wilwayco), hiniling kong padalhan niya ako ng kopyang PDF sa email upang mabasa agad. Naaalala ko, noong paglulunsad ng mga libro ni Khavn (dela Cruz) sa Mag:net, tinanong niya ako kung nag-UG ako. Nabigla ako sa tanong, Kris. Umiling ako, at pagkatapos, sinabi niyang magugustuhan ko pa rin naman ang nobelang ito. read more >>>

3 comments:

  1. Anonymous12:35 AM

    Yo, j ito ng Bookay-Ukay Bookstore... Salamat ng marami sa paglalagay ninyo ng "Responde" sa bookstore. Sabi ni Dan, napadaan ka raw dun minsan..
    Astig, andaming naghahanap pati ng "Mondomanila",wasak talaga..

    Salamat din ng marami sa pagp-post ng link ng bookay..

    Sobrang wasak talaga.

    Oo nga pala, ako yung sumasama sa inyo nila Tengal tuwing gig. Ako yung nagp-perform ng nakahubad hehe.

    Kitakits sa mga wasakan!

    Astig tong site mo...Wasak na Wasak! Salamat!

    Sa 22 birthday ni Kints

    Oo nga pala pag may hinahanap kang libro, kaming bahala, inform mo lang kami.

    -j.luna,09167840473

    http://www.jluna00.multiply.com

    ReplyDelete
  2. Hey, you4:09 AM

    Is this the sort of ' Leftism ' that Jean-Luc Goddard mocked in ' La Chinoise ' ? ( Oh, wow. ' La Chinoise '. What an exotic reference ! Impressive ! * rolls eyes * )

    Why won't you fuckers mention Gloria Arroyo, and stop being cowards for a change ?

    ReplyDelete
  3. heto na po:

    Isang Gloria Arroyo araw, ako ay nagpunta sa UP Gloria Arroyo tapos sumakay ako ng jeep Gloria Arroyo. Sa jeep may mga nakasakay na tao Gloria Arroyo. Pumara Gloria Arroyo sa sakayan ng Philcoa Gloria Arroyo. NAgsindi Gloria Arroyo ako ng yosi. Tapos Gloria Arroyo na Gloria Arroyo po.

    ReplyDelete

Translate this shit