Friday, October 10, 2008

Teehankee

Dear bayaw,

Natatakot na ko maglalabas dre. Ngayong pinalaya na ni Gloria Arroyo si Claudio Teehankee Jr. Ikaw din mag-iingat ka.

Naalala mo pa ba si Teehankee? Yung trigger-happy psychopath na bumaril kay Maureen Hultman, at sa boyfriend niya at isa pa nilang tropa nang walang malinaw na dahilan. Ang alam ko, naglalakad lang daw yung dalaga, kasama yung boyfriend at isa pang tropa nila, sabay binaril ni Teehankee na lasing na lasing noong oras na iyon. Wala lang, trip lang. Patay yung boyfriend, sugatan yung tropa. Si Maureen naman, na-comatose muna ng ilang araw bago namatay.



Ngayong may mga anak na ko, bayaw, parang naiisip ko ang hirap/sakit na dinanas ng mga magulang nila.

Nakahinga nang maluwag ang lahat nang makulong ang tarantadong si Teehankee.

Di ko maintindihan bakit pinalaya siya ng presidente. Di ba niya naisip na uulitin na naman ni Teehankee yun. Ilang inosenteng tao pa ang kailangang mamatay para matauhan ang mga nakapuwesto?

Saka, ang sarap-sarap na nga ng buhay ni Teehankee sa kulungan. Tingnan mo itong mga pictures:

Kuwarto ni Teehankee

Kusina ni Teehankee

Sala ni Teehankee


Daig pa nasa resort 'no? Parang wala sa kulungan. Ako araw-araw akong nagbabanat ng buto pero di ako nakakatikim ng ganyan ka-sarap na higaan. Bakit pa siya kinulong? Lokohan na ito di ba?
Kaya mag-iingat ka palagi, bayaw. Kung meron kang bullet-proof vest, isuot mo palagi kapag lalabas ka. Malay mo, masalubong mo si Teehankee. Tangina, bayaw, di mo masasabi kung ano pwede nyang gawin sa ‘yo.
Isipin mo ilang taon din siya sa kulungan. 13 years ata. Kating-kati na ngayong mamaril ang gagong iyon.
Sige, txt-txt na lang. Hanggang sa muli. Ingat ka palagi.

1 comment:

  1. Naaalala ko tong balita na 'to sa taong 2008, pero musmos pa lamang ako noong manyari dati ang krimen na iyan. Nag-selos raw si Tehankee sa bata, GF niya raw yun eh, kaya binaril niya.

    Hahaha. Ang saklap ng pinag-kulungan niya, grande, grabe.

    ReplyDelete

Translate this shit