Thursday, February 21, 2008

and yet another satisfied customer

demonyo

"V. Inuwi kang nakakahon

Binaboy ka muna bago ka pinatay. Isang basong seminilya ng mga demonyong army ang nakuha sa puwerta mo. Ang buong katawan mo'y tadtad ng paso ng sigarilyo. Ang puwit mo'y pinasakan ng batuta. Ang sabi sa report nila'y encounter daw. Pero hindi kami naniniwala. Ang butas sa mata mo'y tanda ng baril na pinaputok nang malapitan. Gayunpaman, namatay kang nagtatagis ang mga bagang. Hindi ka sumuko. Tiniis mo ang lahat ng pahirap. " -sipi mula sa Responde na isinulat ni Norman Wilwayco (astig 'to!)



Wala akong kilalang ganito ang kinahatnan. Hindi ko alam kung may taong nga na dumanas ng ganitong klaseng pahirap (hindi naman kasi kami magkakilala nung nagsulat). Ngunit alam ko hindi lang ito ang ang kwento ng mga nahuhuli, NPA man o hindi:

Binaril close-range, kaya kalahati na lamang ng ulo niya ang natitira.

Hubad na bangkay, walang isang saplot na natira.

Hinihiritan ng mga demonyong lasing na "Masarap yan tikman, maganda!"

Pinagsasayaw ng malaswang sayaw ng mga demonyo.

Nawala na lang na parang bula.

Hindi tao ang gumagawa nito. Putangina, hindi sila tao. Paano magagawa ito ng isang tao sa kapwa niya tao? Ang mansamantala, mang-abuso, at patayin pati ang dangal? Nagkukunwari lang silang tao. Mga demonyo sila.

Paano ko nasisikmura na mabuhay sa lipunan na kung saan, mga demonyo ang naghahari?

No comments:

Post a Comment

Translate this shit