Tuesday, December 04, 2007

Another satisfied customer

sabi pa niya:

"Malupit ang librong to. Madidiskubre mo na lang na ikaw pala ang karakter sa mga isinulat niya. Na ikaw pala ang totoong tauhan. Nangyayari ito sa mga taong pumasok sa kahungkangan ng realidad. Sa buong panahong binabasa ko ang librong to ay tila nabubuksan lalo ang mga mata ko sa kalupitan ng mundo at sa tunay na kulay ng mga tao sa lipunan. maraming aral kang mapupulot. nakakagago. nakakabugok. pero seryoso,... "

salamat sa oras mo, dude. at sa perang pinambili mo ng libro. singkwenta jan ang mapupunta sa akin. hehehe.

nabasa na niya rin kaya ang mondomanila?

2 comments:

  1. nashtassia6:48 PM

    dear kuya norman,

    hello po. ako po si nashtassia esteban, isang tagahanga ng mga akda ninyo. nais ko lang pong ipaabot ang aking taos pusong pagpupuri sa librong responde (mukha namang kita nyong bilib na bilib ako dun,hehe)

    sa tanong ninyo kung nabasa ko na ba ang mandomanila, hindi pa. nakakaiyak. sabi ng best friend ko maganda daw, at atat na atat na akong basahin. pero sa kasamaang palad ay wala po akong makitang bookstore sa baguio na may mandomanila. san po ba ako makakabili nun? sana po, bago ako makaalis ng pilipinas ay mayroon na ako nun, para habang nangangatog ako sa ginaw sa ibang bansa ay kaakibat ko ang bawat pahina ng mga isinulat niyo. simply put, sana ay magreply ka agad tsong sa email na to. hehe

    tungkol po sa statement niyong "at sa perang pinambili mo ng libro. singkwenta jan ang mapupunta sa akin. hehehe.", hindi ko po talaga binili ang libro. pinahiram po sa akin yun ng isang napakabait at bookworm na tropang si jay labay, sa kanya po kayo magpasalamat. sa recto pa daw niya binili ang librong iyon, sa isang lumang bookstore.pero hayaan niyo at bibili ako, ng lahat ng libro niyo, para meron din akong maipabasa sa mga pilipino sa canada.

    inaasahan ko ang asap na pagreply ninyo sa akin, sir, dhil isang buwan na lang ang ilalagi ko dito sa bansa natin. sana po ay nagets nyo ako. haha

    salamat po muli, at mabuhay ka.

    padayon,
    nashtassia esteban

    p.s.
    isinoli ko na po kay jay yung libro , ayaw ipaarbor eh.

    ReplyDelete
  2. pedro7:26 AM

    mondomanila lang ang librong binasa ko ng 3 beses paulit ulit. at kung sinoli na sakin yun, babasahin ko ulit. kaso ayaw na ata isauli. haha

    sinapul ng mondomanila ang napakalawak na mga isyu ng iba't ibang sektor. mahusay ser. hindi preachy pero fucking ikaw ang chuck palahniuk (fight club) ng pilipinas, pero higit na mas progressive ka. ayos. paborito ko yung 'inay', yung tungkol sa nanay ni Tony, swak. --pedro

    ReplyDelete

Translate this shit